Publicidade

Salmos 47

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1 Kayong mga tao sa bawat bansa,

magpalakpakan kayo!

Sumigaw sa Diyos nang may kagalakan.

2 Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos at kagalang-galang.

Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.

3 Ipinasakop niya sa aming

mga Israelita ang lahat ng bansa.

4 Pinili niya para sa amin ang lupang

ipinangako bilang aming mana.

Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob

na kanyang minamahal.

5 Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos,

habang ang mga taoʼy nagsisigawan

at ang mga trumpetaʼy tumutunog.

6 Awitan ninyo ang Diyos

ng mga papuring awit.

Awitan ninyo ang ating hari

ng mga papuring awit.

7 Dahil ang Diyos ang siyang Hari

sa buong mundo.

Umawit kayo sa kanya ng mga awit

ng pagpupuri.

8 Ang Diyos ay nakaupo sa kanyang trono

at naghahari sa mga bansa.

9 Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa,

kasama ang mga mamamayan

ng Diyos ni Abraham.

Ang mga pinuno sa mundo ay sa Diyos,

at mataas ang paggalang nila sa kanya.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-