Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 137

1 Nang maalala namin ang Zion,

umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak.

2 Isinabit na lang namin ang aming mga alpa

sa mga sanga ng kahoy.

3 Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin.

Inuutusan nila kaming sila ay aliwin.

Ang sabi nila, "Awitan ninyo kami ng mga awit

tungkol sa Zion!"

4 Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon

sa lupain ng mga bumihag sa amin?

5 Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay

kung kalilimutan ko ang Jerusalem!

6 Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin

at ituturing na aking kaligayahan ang Jerusalem.

7 Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom

nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.

Sinabi nila,

"Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!"

8 Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!

Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo

gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.

9 Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,

at ihahampas sa mga bato.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também