Publicidade

Salmos 54

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.

1 O Diyos, iligtas nʼyo ako

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan

at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.

2 O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.

Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.

3 Sapagkat sinasalakay ako

ng mga dayuhan

upang akoʼy patayin.

Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

4 Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.

Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.

5 Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway

ang kanilang kasamaan.

O Diyos, sa inyong pagkamatapat,

lipulin nʼyo sila.

6 Kusang-loob akong maghahandog

sa inyo Panginoon.

Pupurihin ko ang pangalan nʼyo

dahil napakabuti ninyo.

7 Iniligtas nʼyo ako

sa lahat ng paghihirap,

at nakita kong natalo

ang aking mga kaaway.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-