Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 82

Awit na isinulat ni Asaf.

1 Pinamumunuan ng Diyos ang pagtitipon

ng kanyang mga mamamayan.

Sa gitna ng mga hukom82:1 mga hukom: Sila ay mga pinuno rin ng Israel.

siya ang humahatol sa kanila.

2 Sinabi niya sa kanila,

"Hanggang kailan kayo hahatol

nang hindi tama?

Hanggang kailan ninyo papaboran

ang masasamâ?

3 Bigyan ninyo ng katarungan

ang mga dukha at ulila.

Ipagtanggol ninyo ang karapatan

ng mga mahihirap at inaapi.

4 Iligtas ninyo ang mahihina

at mga nangangailangan

mula sa kamay ng mga masasama!

5 "Wala silang nalalaman!

Hindi sila nakakaintindi!

Wala silang pag-asa,

namumuhay sila sa kadiliman

at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.

6 "Sinabi ko, Kayoʼy mga diyos,

mga anak ng Kataas-taasang Diyos.

7 Ngunit gaya ng ibang mga namumuno

ay babagsak kayo,

at gaya ng ibang tao

ay mamamatay din kayo."

8 O Diyos, hatulan nʼyo na

ang lahat ng bansa sa mundo,

sapagkat sila namaʼy sa inyo.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também