Isang awit ng Pagpupuri na may Pasasalamat.
1 Kayong mga tao sa buong mundo,
sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon!
2 Sambahin ninyo nang may kagalakan ang Panginoon.
Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
3 Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos!
Siya ang lumikha sa atin
at tayoʼy sa kanya.
Tayoʼy kanyang mga tupa
na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.
4 Pumasok kayo sa kanyang Templo
nang may pagpapasalamat at pagpupuri.
Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.
5 Dahil mabuti ang Panginoon;
ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan,
at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!