Publicidade

Salmos 108

Awit na isinulat ni David.

1 O Diyos, lubusan akong nagtitiwala sa inyo.

Buong puso kitang aawitan ng mga papuri.

2 Gigising ako ng maaga

at ihahanda ko ang alpa

at mga instrumentong may mga kuwerdas.

3 Panginoon, pupurihin kita

sa gitna ng mga bansa.

Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna

ng inyong mga mamamayan.

4 Dahil napakadakila at walang kapantay

ang pag-ibig nʼyo at katapatan.

5 O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong

kapangyarihan sa kalangitan

at ang inyong kaluwalhatian

sa buong mundo.

6 Iligtas nʼyo kami at tulungan

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

7 O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo,

"Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem

at ang Lambak ng Sucot,

upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

8 Sa akin ang Gilead at Manases,

ang Efraim ay gagawin kong tanggulan

at ang Juda ang aking tagapamahala.

9 Ang Moab ang aking utusan

at ang Edom ay sa akin din.

Sisigaw ako ng tagumpay

laban sa mga Filisteo."

10 Sinong magdadala sa akin sa Edom

at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader?

11 Sino na ang makakatulong, O Diyos,

ngayong itinakwil nʼyo na kami?

Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.

12 Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,

dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

13 Sa tulong nʼyo, O Diyos,

kamiʼy magtatagumpay

sapagkat tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-