Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 123

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1 Panginoon, dumadalangin ako sa inyo,

sa inyo na nakaupo sa inyong trono sa langit.

2 Kung paanong ang alipin

ay naghihintay sa ibibigay ng kanyang amo,

at ang babaeng alipin sa kanyang among babae,

gayundin naman, naghihintay kami sa tulong at habag ng Panginoon naming Diyos.

3 Maawa kayo sa amin Panginoon,

dahil labis na ang panghahamak sa amin.

4 Labis-labis na ang pangungutya sa amin

ng mga taong hambog at mapang-api.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também