Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 43

1 O Diyos, patunayan po ninyong

akoʼy walang kasalanan,

at akoʼy inyong ipagtanggol

sa mga hindi matuwid.

Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya

at sa mga masasama.

2 Kayo ang Diyos ang aking tanggulan,

bakit nʼyo ako itinakwil?

Bakit kailangan pang magdusa ako

sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

3 Paliwanagan nʼyo ako at turuan

ng inyong katotohanan,

upang akoʼy magabayan pabalik

sa inyong Templo sa banal na bundok.

4 Nang sa gayoʼy makalapit ako

sa inyong altar, O Diyos,

na nagbibigay galak sa akin.

At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa

ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

5 Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?

Dapat magtiwala ako sa inyo.

Pupurihin ko kayong muli,

aking Diyos at Tagapagligtas!

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também