1 "Walang Diyos!"
Iyan ang sinasabi ng hangal
sa kanilang sarili.
Masasama sila at kasuklam-suklam
ang kanilang mga gawa.
Ni isa sa kanila ay walang
gumagawa ng mabuti.
2 Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon
ang lahat ng tao,
kung may nakakaunawa ng katotohanan
at naghahanap sa kanya.
3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas
at pare-parehong nabulok ang pagkatao.
Wala ni isa man ang gumagawa ng mabuti.
4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao?
Sinasamantala nila ang aking mga kababayan
para sa kanilang pansariling kapakanan.
At hindi sila nananalangin sa Panginoon.
5 Ngunit darating ang araw
na manginginig sila sa takot,
dahil kakampihan ng Diyos ang mga matuwid.
6 Sinisira ng masasamang tao
ang mga plano ng mga dukha,
ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.
7 Dumating na sana
ang Tagapagligtas ng Israel
mula sa Zion!
Magsasaya ang mga Israelita,
ang mga mamamayan ng Panginoon,
kapag naibalik na niya
ang kanilang kasaganaan.