Publicidade

Salmos 138

Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso.

Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga diyos.

2 Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo

dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo

at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

3 Nang humingi ako ng tulong,

akoʼy inyong sinagot.

Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.

4 Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo,

dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

5 Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa,

dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

6 Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat,

nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan.

At kahit nasa malayo ka

ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.

7 Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan,

ang buhay koʼy inyong iniingatan.

Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway.

Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

8 Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin.

Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan.

Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-