Publicidade

Salmos 111

1 Purihin ang Panginoon!

Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon

sa pagtitipon ng mga matuwid.

2 Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon;

iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.

3 Ang lahat ng kanyang mga gawa

ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan.

At ang kanyang katuwiran

ay nagpapatuloy magpakailanman.

4 Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa.

Siya ay mabuti at mahabagin.

5 Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya,

at ang kanyang kasunduan sa kanila

ay hindi niya kinakalimutan.

6 Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan

ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa,

sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila

ng mga lupain ng ibang mga bansa.

7 Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa,

at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos.

8 Ang kanyang mga utos

ay mananatili magpakailanman,

at itoʼy ibinigay niya nang buong

katapatan at ayon sa katuwiran.

9 Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan,

at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan.

Banal siya at kahanga-hanga.

10 Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos

ay may mabuting pang-unawa.

Purihin siya magpakailanman.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-