Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 11

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Sa Panginoon ako kumakanlong.

Ngunit sinasabi ninyo sa akin,

"Tumakas ka papuntang kabundukan,

lumipad kang tulad ng ibon.11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.

2 Inihanda na ng mga masasama

ang kanilang mga pana,

upang panain nang palihim

ang mga matutuwid.

3 Ano ang magagawa ng mga matutuwid

kung ang batas na pundasyon ng bayan

ay wala nang halaga?"

4 Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;

at nasa langit ang kanyang trono.

Tinitingnan niya at sinisiyasat

ang lahat ng tao.

5 Sinisiyasat niya ang matutuwid

at masasamâ.

Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.

6 Pauulanan niya ng lumalagablab

na baga at asupre ang masasamâ;

at ipapadala niya ang mainit na hangin

na papaso sa kanila.

7 Dahil ang Panginoon ay matuwid

at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.

Kaya ang mga namumuhay nang tama

ay makakalapit sa kanya.11:7 makakalapit sa kanya: Sa literal, makakakita sa mukha niya.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também