Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, "Huwag Sirain!"
1 O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.
Nagpapasalamat kami
dahil malapit kayo sa amin.
Ipinapahayag ng mga tao
ang inyong mga kahanga-hangang gawa.
2 Sinabi nʼyo O Diyos, "May itinakda akong
panahon ng paghatol
at hahatol ako nang walang kinikilingan."
3 Kapag yumanig ang mundo
at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,
ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.
4 Sinasabi ko sa mga hambog,
"Huwag kayong magyabang"
at sa masasama,
"Huwag ninyong ipagmalaki
ang inyong kakayahan.
5 Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki
na kayo ay nanalo
at magpakumbaba na kayo."
6 Dahil ang tagumpay ng taoʼy
hindi nagmumula sa kung saan-saan,75:6 kung saan-saan: Sa literal, sa silangan o kanluran o sa ilang.
7 kundi sa Diyos lamang.
Siya ang humahatol;
kung sino ang ibababa
at kung sino ang itataas.
8 Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa
na puno ng bumubulang matapang na alak.
Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama
hanggang sa huling patak.
9 Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag
ang tungkol sa Diyos ni Jacob,
aawit ako ng mga papuri para sa kanya.
10 Aalisin niya75:10 niya: Sa Hebreo, ko. ang kakayahan ng masasama,75:10 Aalisin niya … masasama: Sa Hebreo, Puputulin ko ang lahat ng sungay ng masasamâ.
ngunit dadagdagan niya
ang kapangyarihan ng matutuwid.