Publicidade

Salmos 126

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1 Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion

ang mga nabihag,

itoʼy parang panaginip lamang.

2 Tayo nooʼy nagtatawanan

at nag-aawitan sa labis na kagalakan.

At sinabi ng ibang mga bansa,

"Napakadakila ng mga bagay

na ginawa ng Panginoon para sa kanila."

3 Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,

at punong-puno tayo ng kagalakan.

4 Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,

tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.

5 Silang nagtatanim na lumuluha

ay mag-aaning tuwang-tuwa.

6 Ang umalis na lumuluha,

na may dalang binhi na itatanim

ay babalik na masaya,

na may dala-dalang mga ani.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-