Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 67

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1 O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.

Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,

2 upang malaman ng lahat ng bansa

ang inyong mga pamamaraan

at pagliligtas.

3 Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.

4 Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,

dahil sa makatarungan nʼyong paghatol

at pagpatnubay sa lahat ng bansa.

5 O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.

6,7 Umani nawa ng sagana ang mga lupain.

Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.

Magkaroon sana ng takot sa inyo

ang lahat ng tao sa buong mundo.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também