Publicidade

Salmos 29

Awit na isinulat ni David.

1 Purihin ang Panginoon, kayong mga nilalang sa kalangitan.

Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.

2 Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.

Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

3 Ang tinig ng Panginoong Diyos

na makapangyarihan ay dumadagundong

na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.

4 Ang tinig ng Panginoon

ay makapangyarihan at kagalang-galang.

5 Ang tinig ng Panginoon ay makakabali

at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay

na mga puno ng sedro sa Lebanon.

6 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon

at ang bundok ng Hermon,

na parang mailap na baka na tumatalon-talon.

7 Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.

8 Ang tinig din ng Panginoon

ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.

9 Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,

at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.

At ang lahat ng nasa Templo

ay sumisigaw,

"Ang Diyos ay makapangyarihan!"

10 Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.

Maghahari siya magpakailanman.

11 Ang Panginoon ang nagbibigay

ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,

at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-