Publicidade

Salmos 124

Awit na isinulat ni David para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1 Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin,

ano kaya ang nangyari?

Sumagot kayo mga taga-Israel!

2 Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin

noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

3 marahil ay pinatay na nila tayo,

dahil sa matinding galit nila sa atin;

4,5 para siguro silang bahang tumangay sa atin

o malakas na agos na lumunod sa atin.

6 Purihin ang Panginoon,

dahil hindi niya pinayagang lapain tayo

ng ating mga kaaway.

7 Nakatakas tayo,

katulad ng ibong nakawala

sa nasirang bitag.

8 Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,

na lumikha ng langit at lupa.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-