Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 110

Awit na isinulat ni David.

1 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,110:1 Panginoon… Panginoon: Sa Hebreo, Yahweh … adonai. Ang ibig sabihin ng adonai ay Panginoon o amo.

"Umupo ka rito sa aking kanan

hanggang sa gawin kong iyong apakan

ang iyong mga kalaban."

2 Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,

at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.

3 Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway,

kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.

Ang mga kabataang iyong nasasakupan

ay pupunta sa iyo doon

sa banal na burol katulad

ng hamog tuwing umaga.

4 Ang Panginoon ay sumumpa

at hindi magbabago ang pasya niya,

na ikaw ay pari magpakailanman,

ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

5 Ang Panginoon ay kasama mo.

Parurusahan niya ang maraming hari

sa oras ng kanyang galit.

6 Parurusahan niya ang mga bansa,

at marami ang kanyang papatayin.

Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.

7 Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batis

na nasa tabi ng daan,

kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também