Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 129

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1 Mga taga-Israel, sabihin ninyo

kung paano kayo pinahirapan

ng inyong mga kaaway

mula nang itatag ang inyong bansa.

2 "Maraming beses nila kaming pinahirapan

mula pa nang itatag ang aming bansa.

Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.

3 Sinugatan nila nang malalim ang aming likod,

na parang lupang inararo.

4 Ngunit ang Panginoon ay matuwid,

pinalaya niya kami sa pagkaalipin

mula sa masasamâ."

5 Magsitakas sana dahil sa kahihiyan

ang lahat ng namumuhi sa Zion.

6 Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay,

na nang tumubo ay agad ding namatay.

7 Walang nagtitipon ng ganitong damo

o nagdadala nito na nakabigkis.

8 Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila,

"Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!

Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também