Publicidade

Salmos 24

Awit na isinulat ni David.

1 Ang buong mundo at ang lahat ng naririto

ay pag-aari ng Panginoon.

2 Itinayo niya ang pundasyon ng mundo

sa kailaliman ng dagat.

3 Sino ang karapat-dapat umakyat

sa bundok ng Panginoon?

At sino ang maaaring tumuntong

sa kanyang banal na lugar?

4 Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay

at malinis na puso,

ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan,

at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

5 Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,

ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.

6 Iyan ang mga taong makakalapit

at sasamba sa Diyos ni Jacob.

7 Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

8 Sino ang haring makapangyarihan?

Siya ang Panginoong malakas

at matatag sa pakikipaglaban.

9 Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

10 Sino ang dakilang Hari?

Ang Panginoon ng mga Hukbo;

Siya ang dakilang Hari!

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-