Publicidade

Salmos 150

1 Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.

Purihin siya sa langit,

ang kanyang matibay na tirahan.

2 Purihin siya dahil

sa kanyang mga dakilang mga gawa.

Purihin siya dahil sa kanyang

kapangyarihang walang kapantay.

3 Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!

Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!

4 Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin

at sumayaw.

Purihin siya sa tugtog

ng mga instrumentong

may kuwerdas at mga plauta.

5 Purihin siya sa matutunog

na mga pompyang.

Purihin siya sa mga taginting nito.

6 Ang lahat ng may buhay

ay magpuri sa Panginoon.

Purihin ang Panginoon!

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-