Publicidade

Salmos 8

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng isang uri ng instrumento o inaawit ayon sa isang uri ng tono.

1 O Panginoon, aming Panginoon,

ang kadakilaan ng inyong pangalan

sa buong mundo ay matutunghayan,

at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian

hanggang sa kalangitan.

2 Kahit ang mga bata at sanggol

sa inyoʼy nagpupuri;

Kaya ang inyong mga kaaway

ay napapahiya at tumatahimik.

3 Kapag akoʼy tumitingala

sa langit na inyong nilikha,

at aking pinagmamasdan ang buwan

at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

4 akoʼy napapatanong,

"Ano ba ang tao upang inyong alalahanin?

Sino nga ba siya upang inyong kalingain?"

5 Ginawa ninyong mas mababa

kaysa sa mga anghel

ang kanyang kalagayan.

Ngunit kinoronahan nʼyo siya

ng kaluwalhatian at karangalan.

6 Ipinamahala nʼyo sa amin

ang inyong mga nilalang,

at ipinasailalim sa amin

ang lahat ng bagay:

7 mga tupa, mga baka

at lahat ng mga mababangis na hayop,

8 ang mga ibon sa himpapawid,

mga isda sa dagat

at lahat ng lumalangoy doon.

9 O Panginoon, aming Panginoon,

ang kadakilaan ng inyong pangalan

sa buong mundo ay natutunghayan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-