Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1 Ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,
sa halip ay nananatili, magpakailanman.
2 Kung paanong ang mga bundok
ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,
ang Panginoon ay nasa paligid din
ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.
3 Ang masama ay hindi mananatiling namamahala
sa lupaing para sa mga matuwid,
dahil baka makagawa rin ng masama
ang mga matuwid.
4 Panginoon, ipakita ninyo ang inyong kabutihan
sa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid.
5 Ngunit parusahan ninyo kasama ng masasama
ang inyong mamamayan na sumusunod
sa hindi wastong pamumuhay.
Mapasaiyo nawa, Israel, ang kapayapaan.