Publicidade

Salmos 64

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 O Diyos, pakinggan nʼyo ang daing ko!

Ingatan nʼyo ang buhay ko

mula sa banta ng aking mga kaaway.

2 Ingatan nʼyo ako sa kasamaang

pinaplano nila.

3 Naghahanda sila ng matatalim na salita,

na gaya ng espada at palasong nakakasugat.

4 Nagsasalita sila ng masakit sa likod

ng mga taong matuwid

na parang namamana nang patago.

Bigla nila itong ginagawa

nang walang katakot-takot.

5 Hinihikayat nila ang isaʼt isa

na gumawa ng kasamaan

at pinag-uusapan nila

kung saan maglalagay ng bitag.

Sinasabi nila, "Walang makakakita nito."

6 Nagbabalak sila ng masama at sinasabi,

"Napakaganda ng plano natin!"

Talagang napakatuso ng isip

at puso ng tao!

7 Ngunit papanain sila ng Diyos

at bigla na lang silang masusugatan.

8 Mapapahamak sila

dahil sa masasama nilang salita,

kukutyain sila

ng mga makakakita sa kanila.

9 At lahat ng tao ay matatakot.

Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Diyos

at ipahahayag ito sa iba.

10 Magagalak at manganganlong sa Panginoon

ang lahat ng matuwid.

At magpupuri sa kanya

ang mga gumagawa ng tama.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-