1 Umawit ng bagong awit sa Panginoon,
sapagkat kahanga-hanga
ang kanyang mga gawa!
Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy
tinalo niya ang ating mga kaaway.
2 Ipinakita ng Panginoon
sa mga bansa
ang kanyang pagliligtas
at pagiging makatuwiran.
3 Hindi niya kinalimutan
ang kanyang pag-ibig
at katapatan sa Israel.
Nakita ng lahat ng tao
sa buong mundo
ang pagliligtas ng ating Diyos.
4 Kayong lahat ng tao sa buong mundo,
sumigaw kayo sa galak sa Panginoon!
Buong galak kayong umawit
ng papuri sa kanya.
5 Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon
habang tinutugtog ang mga alpa.
6 Patunugin ang mga trumpeta at tambuli;
sumigaw kayo sa galak sa harapan ng Panginoon, na Hari.
7 Magalak ang dagat
at ang lahat ng naninirahan dito,
gayundin ang buong mundo at ang lahat ng narito.
8 Magpalakpakan ang mga ilog
at sabay-sabay na magsiawit sa tuwa
ang mga kabundukan.
9 Magalak sila sa presensya ng Panginoon na hari
dahil darating siya upang hatulan
ang lahat ng tao sa buong mundo.
Hahatulan niya sila nang matuwid
at walang kinikilingan.