Pular para o conteúdo
Publicidade

O marido

Por Bíblia Online

A Bíblia define o papel do marido com clareza: amar a esposa como Cristo amou a Igreja, ser fiel, protetor e líder servo no lar.

Amar como Cristo amou

Maridos, amai vossas mulheres como Cristo amou a Igreja e se entregou por ela. O amor do marido deve ser sacrificial e incondicional.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya

Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.

Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong nasusuklam sa sariling katawan, sa halip, pinapakain niya ito at inaalagaan. Ganito rin ang ginagawa ni Kristo sa kanyang iglesya,

Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. Kung magalit man kayo, "huwag kayong magkasala". At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig. At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Diyos, at siya ang katiyakan ng kaligtasan ninyo pagdating ng araw. Alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

Mga Tuntunin sa Sambahayang Mananampalataya

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Fidelidade conjugal

O casamento é honroso e o leito conjugal é santo. O marido deve ser fiel à esposa da sua juventude em pensamento e ação.

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad.

Ang asawa mo lamang

ang dapat mong sipingan.

Ika nga, inumin mo lamang

ang tubig sa sarili mong balon.

Huwag kang sisiping sa

kung kani-kanino diyan.

Kung baga, huwag mong ikalat

ang iyong tubig sa lansangan.

Ang tubig sa iyong balon

ay para lamang sa iyong asawa

at hindi ibinabahagi sa iba.

Pagpalain sana ang iyong asawa.

Maging maligaya ka sa kanya,

na napangasawa mo noong kayoʼy

mga bata pa.

Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.

Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,

at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.

Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay?

Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?

Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.

Ngunit sinasabi ko sa inyo na kapag hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, siya na rin ang nagtulak sa kanyang asawa na mangalunya kapag nag-asawa itong muli. At ang sinumang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. Ganoon din ang lalaki, hindi na siya ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa.

Kaya huwag ninyong ipagkait ang pagsiping sa inyong asawa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong ipagpaliban ito, upang mailaan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkalipas ng inyong pinagkasunduan, magsiping na uli kayo dahil baka hindi na kayo makapagpigil at matukso kayo ni Satanas.

Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lamang sa kanyang asawa.

Sa iba naman, ito ang masasabi ko (itoʼy opinyon ko lamang; walang sinabi ang Panginoon tungkol dito): Kung ang isang mananampalatayang lalaki ay may asawa na hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang babae.

Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan.

Convivência com sabedoria

O marido sábio vive com a esposa com entendimento, dando-lhe honra como co-herdeira da graça. A união conjugal reflete Cristo e a Igreja.

Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Kristiyano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Diyos ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin ninyo.

Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Magpakasaya ka kasama ang minamahal mong asawa, sa buhay mong walang kabuluhan na ibinigay ng Diyos dito sa mundo. Sapagkat para sa iyo naman iyan, para sa pagpapagal mo rito sa mundo.

Kung nakapag-asawa ka,

nakatanggap ka ng kabutihan,

at ito ang nagpapakita na mabuti

ang Panginoon sa iyo.

Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat.

Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."

Babala sa Pagsamba sa Diyos-diyosan

Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.

Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Seja o primeiro