Pular para o conteúdo
Publicidade

Mentira

Por Bíblia Online

A mentira é condenada pela Bíblia como pecado grave. Deus é verdade, e quem mente se alinha com o pai da mentira. O cristão é chamado a falar a verdade em amor.

Deus odeia a mentira

Os lábios mentirosos são abominação para o Senhor. A Bíblia adverte que todo mentiroso terá parte no lago de fogo.

Nasusuklam ang Panginoon

sa mga nagsasabi ng kasinungalingan,

ngunit nalulugod siya sa nagsasabi

ng katotohanan.

Ngunit ang mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, mga marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at lahat ng sinungaling ay itatapon sa naglalagablab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan."

May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon,

pito na kinasusuklaman niya:

mapagmataas na mga mata,

sinungaling na dila,

mga kamay na pumapatay

sa mga walang sala,

pusong nagbabalak ng masasamang pakana,

mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,

bulaang saksi na puno ng kasinungalingan,

at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.

Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain,

Falar a verdade

Despojai-vos da mentira e falai a verdade cada um com o próximo. Cristo é a verdade, e nos chama a ser testemunhas fiéis.

Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.

Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang ama ng kasinungalingan.

Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan,

at ang sinumang nagsisinungaling

ay mapapahamak.

Ang mga mandaraya at mga sinungaling

ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.

Consequências da falsidade

A mentira destrói confiança e relacionamentos. As Escrituras alertam sobre os frutos amargos do engano e da falsidade.

Ang kayamanang nakuha sa pandaraya

ay madaling mawala

at maaaring humantong

sa maagang kamatayan.

Ang katotohanan ay mananatili kailanman,

ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.

Ang sinungaling ay nagagalit

sa nabiktima niya ng kasinungalingan,

at ang taong nambobola

ay ipapahamak ka.

Pinupuksa ninyo

ang mga sinungaling.

Kinasusuklaman ninyo

ang mga mamamatay-tao

at ang mga mandaraya.

Huwag kayong magnanakaw, o magsisinungaling, o mandadaya ng inyong kapwa.

Seja o primeiro