Pular para o conteúdo
Publicidade

Mundo

Por Bíblia Online

A Bíblia tem muito a dizer sobre o mundo e nossa relação com ele. Cristãos estão no mundo, mas não são do mundo — chamados a ser luz e sal sem se conformar com os padrões seculares.

Não ameis o mundo

Não ameis o mundo nem o que nele há. A cobiça da carne, a cobiça dos olhos e a soberba da vida não vêm do Pai, mas do mundo.

Huwag Ibigin ang Mundo

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Huwag Ibigin ang Mundo

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Ang mundo at lahat ng bagay dito na pinagnanasahan ng tao ay maglalaho, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.

Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.

O amor de Deus pelo mundo

Porque Deus amou o mundo de tal maneira que deu seu Filho. O mesmo mundo que rejeita a Deus é amado por Ele e objeto de sua redenção.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila.

Siya ang inialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng ating mga kasalanan kundi pati na rin ng kasalanan ng buong sanlibutan.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Vencer o mundo

Jesus venceu o mundo e nos dá sua paz e vitória. A fé é a vitória que vence o mundo — e aquele que nasceu de Deus o vence.

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.

dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.

At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.

Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.

No mundo sem ser do mundo

Jesus orou: não peço que os tires do mundo, mas que os guardes do mal. Somos enviados ao mundo como embaixadores do Reino.

Itinuro ko na sa kanila ang salita mo. Napopoot sa kanila ang mga taong makamundo, dahil hindi na sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.

Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama.

Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama. Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo. Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo.

"Amang Makatarungan, kahit hindi ka nakikilala ng sanlibutan, nakikilala naman kita, at alam ng mga mananampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila."

Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito.

"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

Galit ang Mundo sa mga Alagad ni Hesus

"Kung napopoot sa inyo ang mundo, alalahanin ninyo na ako ang una nilang kinapootan. Kung kabilang kayo sa mundo, mamahalin nila kayo bilang kasama nila. Ngunit hindi kayo kabilang sa mundo, kundi pinili ko kayo mula sa kanila. Dahil dito, napopoot sila sa inyo.

Sal e luz

Vós sois o sal da terra e a luz do mundo. O cristão transforma o ambiente onde está, sem se conformar com os padrões mundanos.

Ang Katuruan Tungkol sa Asin at Ilaw

"Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao.

"Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol.

Ipapangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.

Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?

Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?

"Nakakaawa ang mundong ito dahil sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakasala ng mga tao. Kung sabagay, dumarating naman talaga ang mga ito, ngunit mas nakakaawa ang taong nagiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.

Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?

Não se conformar

Não vos conformeis com este mundo. A religião pura é guardar-se da corrupção do mundo e viver segundo o Espírito de Deus.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.

Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.

Ngayon, alam natin na ang lahat ng sinasabi ng Kautusan ay para sa ating mga Hudyo na namumuhay sa ilalim ng Kautusan, upang walang maidahilan ang sinuman na hindi siya dapat parusahan. Ang lahat ng tao sa mundo ay mananagot sa Diyos.

Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,

A batalha espiritual

A nossa luta não é contra carne e sangue. Os poderes do mundo são reais, mas o que está em nós é maior que o que está no mundo.

Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.

Maging mapanuri kayo nang hindi kayo madala ng walang kabuluhan at mapanlinlang na pilosopiya. Mga tradisyon lamang ito at mga pamamaraan ng mundo, at hindi mula kay Kristo.

Kahit na namumuhay kami rito sa mundo, hindi kami nakikipaglaban sa mga kumokontra sa katotohanan nang ayon sa pamamaraan ng mundo.

At ang Espiritu na ito ng Diyos ang tinanggap nating mga mananampalataya, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos.

Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Diyos na ang karunungan ng mundong ito ay kamangmangan? Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi niya ipinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang.

Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas.

At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos.

Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.

Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.

Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.

Pertencemos a Deus

Do Senhor é a terra e tudo o que nela existe. Vivemos neste mundo como peregrinos, desejando a pátria celestial.

Ang buong mundo at ang lahat ng naririto

ay pag-aari ng Panginoon.

Itinayo niya ang pundasyon ng mundo

sa kailaliman ng dagat.

Sa inyo ang langit at lupa;

ang mundo at ang lahat ng narito

ay inyong nilikha.

O kay dakila ng inyong kabutihan;

sa mga may takot sa inyo,

pagpapalaʼy inyong inilaan.

Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan

sa mga taong kayo ang kanlungan.

Ngunit kayo, Panginoon

ay maghahari magpakailanman.

At handa na ang inyong trono

para sa paghatol.

Matuwid ninyong pinamumunuan

ang sangkatauhan,

silaʼy inyong hinahatulan

nang walang pagkiling kaninuman.

Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo. Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya.

Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya.

Si Hesus ang Ilaw ng Mundo

Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, "Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay."

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay,

Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo. Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos. Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin. Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita. Ipapakita rin niya sa kanila na hahatulan sila ng Diyos dahil hinatulan na ang naghahari sa mundong ito.

At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.

Una sa lahat, dapat ninyong maunawaang sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, at pagtatawanan nila kayo habang sinusunod ang kanilang masasamang pagnanasa. Sasabihin nila, "Hindi baʼt nangako si Kristo na babalik siya? Nasaan na siya ngayon? Namatay na ang mga magulang namin ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundo."

Sinasadya nilang kalimutan ang katotohanang nilikha ng Diyos ang langit sa pamamagitan ng kanyang salita. At nilikha niya ang lupa mula sa tubig at sa pamamagitan ng tubig. At sa pamamagitan din ng tubig, bumaha sa mundo at nalipol ang lahat. Sa pamamagitan din ng kanyang salita, itinakdang tupukin ng Diyos sa apoy ang kasalukuyang langit at lupa sa Araw ng Paghuhukom at paglipol sa masasamâ.

Sapagkat ang kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabagong patungo sa kaligtasan. Hindi pinagsisisihan ang kalungkutang iyon. Subalit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.

Parurusahan ko ang mundo

dahil sa kasamaan nito,

at ang mga masasama

dahil sa kanilang kasalanan.

Wawakasan ko ang pagiging hambog

ng mga mayayabang.

Tatapakan ko ang angas

ng mga taong malulupit.

Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung kinamumuhian kayo ng mundo.

At alam nating tayoʼy mga anak ng Diyos, at ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng diyablo.

Lumilipas ang isang henerasyon

at itoʼy napapalitan,

pero ang mundo ay hindi nagbabago.

Sumisikat ang araw

at pagkatapos ay lumulubog;

pabalik-balik lang

sa kanyang pinanggalingan.

Umiihip ang hangin sa timog

at pagkatapos ay iihip

naman sa hilaga.

Paikot-ikot lang ito

at pabalik-balik.

Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat,

pero hindi naman napupuno ang dagat

kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.

Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.

Si Hesu-Kristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli."

Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.

Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin nang walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Ngunit lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Seja o primeiro