Publicidade

Nascimento

Por Bíblia Online

O nascimento é obra das mãos de Deus. Cada criança é formada por Ele no ventre materno com propósito e amor. A Bíblia celebra a vida desde a concepção até a eternidade.

O nascimento de Jesus

O maior nascimento da história mudou o curso da humanidade. Jesus nasceu de uma virgem pelo poder do Espírito Santo, conforme as profecias.

Ang Kapanganakan ni Hesus, ang Mesias

Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na mapapangasawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.

Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu. Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus" dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."

Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel" (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").

Nang magising si Jose, ginawa nga niya ang ipinag-utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan si Maria. Ngunit hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang maisilang na ang sanggol, pinangalanan siya ni Jose ng Hesus.

Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.

Ipinahayag ang Kapanganakan ni Hesus

Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea. Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David.

Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus. Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan."

Nagtanong si Maria sa anghel, "Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?"

Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Diyos.

Formados desde o ventre

Deus nos teceu no ventre de nossa mãe. Antes de nascermos, Ele já nos conhecia e nos separou para um propósito sagrado.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina.

Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,

pinili na kita.

At bago ka isinilang, hinirang kita

at itinalaga upang maging propeta

sa mga bansa."

Ngunit kayo ang naglabas sa akin

sa sinapupunan ng aking ina,

at tinuruan nʼyo akong magtiwala sa inyo

kahit noong akoʼy sanggol pa lamang.

Mula sa aking pagsilang,

akoʼy nakadepende na sa inyo,

mula si sinapupunan,

ikaw ang aking Diyos.

Kayo ay aking kasama,

mula nang akoʼy isilang;

sa sinapupunan ng aking ina,

akoʼy inyong iningatan.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

magpakailanman.

"Makakalimutan ba ng isang ina

ang sanggol na kanyang pinasuso?

Hindi ba niya pagmamalasakitan

ang anak na galing sa kanyang sinapupunan?

Bagamaʼt makakalimutan niya,

hindi kita makakalimutan!

Dadalhin ko ba ang bansang ito

sa araw ng kanyang kapanganakan,

at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?"

wika ng Panginoon.

"Siyempre hindi!

Hindi ko pipigilang maipanganak ito,"

sabi ng Diyos.

Crianças — bênção e promessa

Jesus acolheu as crianças e disse: delas é o Reino dos céus. Os filhos são herança do Senhor e motivo de alegria para os pais.

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."

Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.

Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.

Sapagkat pinasaya nʼyo ako, Panginoon,

sa pamamagitan ng inyong

mga kahanga-hangang gawa.

At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.

Nascer de novo

Jesus ensinou que é preciso nascer de novo para ver o Reino de Deus. O novo nascimento é espiritual — pelo Espírito e pela Palavra.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."

Katulad ito ng isang babaeng naghihirap dahil malapit nang manganak. Ngunit pagkasilang ng sanggol, nakakalimutan na niya ang lahat ng hirap dahil sa kagalakan sapagkat naisilang na niya ang sanggol dito sa mundo.

Ang mga anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan dahil nananatili sa kanila ang katangian ng Diyos. At dahil ang Diyos ang kanilang Ama, hindi na sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala.

Awitan nʼyo siya ng mga papuri;

ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-