Publicidade

A nova jerusalém

Por Bíblia Online

A Nova Jerusalém é a cidade de Deus que desce do céu, morada eterna dos redimidos. Nela não haverá mar, morte, choro nem dor — Deus habitará com seu povo para sempre.

A cidade celestial

João viu a santa cidade, a Nova Jerusalém, descendo do céu como noiva adornada para o esposo. Ali Deus morará com seu povo.

At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

Napuspos agad ako ng Espiritu, at dinala ako ng anghel sa tuktok ng napakataas na bundok. At ipinakita niya sa akin ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Nakakasilaw itong tingnan dahil sa kaluwalhatian ng Diyos, at kumikislap na parang mamahaling batong haspe na kasinlinaw ng kristal. Ang lungsod ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader, na may labindalawang pintuan, at bawat pintuan ay may tagapagbantay na anghel. Nakasulat sa mga pintuan ang pangalan ng labindalawang lahi ng Israel. Tatlo ang pinto sa bawat panig ng pader: tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran. Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.

Wala akong nakitang templo sa lungsod na iyon, dahil ang pinaka-templo ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. Hindi na kailangan ang araw o ang buwan sa lungsod dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag, at ang Kordero ang ilaw doon.

Ang Pagpapanumbalik ng Eden

Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito ay kasinlinaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng labindalawang beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa. Walang anumang isinumpa ng Diyos na makikita roon. Naroon ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng mga lingkod niya. Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan. Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.

A pátria celestial

Os patriarcas aguardavam uma cidade que tem fundamentos, cujo arquiteto e construtor é Deus. Nosso lar eterno está além desta vida.

Ngunit ang hinahangad nila ay isang mas mainam na bayan, at itoʼy isang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Diyos na siyaʼy tawagin nilang Diyos, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.

Hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Diyos, dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan. Lumapit kayo sa pagtitipon ng mga itinuturing na mga panganay ng Diyos, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Diyos at ginawa na niyang ganap. Lumapit kayo kay Hesus na siyang tagapamagitan natin sa Diyos sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni Abel na humihingi ng katarungan.

Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan.

Pinalakas ni Hesus ang Loob ng Kanyang mga Alagad

Sinabi pa ni Hesus, "Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa akin. Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.

A glória da Nova Jerusalém

Deus habitará no meio do seu povo. Sua presença será a luz da cidade, e o rio da vida fluirá do trono de Deus e do Cordeiro.

May ilog na nagbibigay ng kagalakan

sa bayan ng Diyos,

sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Diyos.

Kaya ang kabuuang haba ng pader ay mga siyam na kilometro. At mula sa araw na iyon, ang lungsod ay tatawaging, Naroon ang Panginoon!’ "

Sinabi ng Panginoon, "Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo. At sa panahong iyon, maraming bansa ang magpapasakop sa akin. At sila rin ay magiging mga mamamayan ko." Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin dito sa inyo. At muling aangkinin ng Panginoon ang Juda bilang kanyang bahagi sa banal na lupain. At ang Jerusalem ay muli niyang ituturing na kanyang piniling lungsod.

"Nalalapit na ang aking pagdating kaya magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti upang hindi kayo maagawan ng gantimpala. Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Diyos ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-