Pular para o conteúdo
Publicidade

Obediência aos pais

Por Bíblia Online

A obediência aos pais é mandamento divino com promessa de vida longa. A Bíblia valoriza a honra filial e ensina os filhos a respeitar e obedecer aos pais com amor.

Honrar pai e mãe

O quinto mandamento ordena honrar pai e mãe. É o primeiro mandamento com promessa: para que vá bem e vivas muito na terra.

Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.

Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

Halimbawa, sinabi ng Diyos, Igalang ninyo ang inyong mga magulang, at Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Obedecer e respeitar

Filhos, obedecei a vossos pais no Senhor. A obediência filial é expressão de amor e temor a Deus.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.

Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao

Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid

sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,

dahil itoʼy makapagbibigay

sa iyo ng karangalan

katulad ng koronang gawa sa bulaklak

at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

Babala Laban sa Pakikiapid

Anak, sundin mo ang itinuturo

at iniuutos ng iyong mga magulang.

Itanim mo ito sa iyong isipan

upang hindi mo makalimutan.

Ito ang papatnubay, mag-iingat

at magpapaalala sa iyong pamumuhay,

kahit ano pa ang iyong ginagawa.

Sapagkat ang mga turo

at utos ng iyong mga magulang

ay katulad ng isang ilaw

na tatanglaw sa iyo.

At ang kanilang pagsaway sa iyo

upang ituwid ang ugali mo

ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.

Magkaroon ng Karunungan sa Anumang Paraan

Mga anak, pakinggan ninyong mabuti

ang mga pagtutuwid ng inyong ama

sa inyong pag-uugali,

upang lumawak

ang inyong pang-unawa.

Mabuti ang itinuturo kong ito,

kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.

Noong bata pa ako

at nasa piling pa ng aking mga magulang,

mahal na mahal ako ng aking ina

bilang nag-iisang anak.

Tinuruan ako ni ama.

Sinabi niya sa akin,

"Anak, ingatan mo sa iyong puso

ang mga itinuturo ko.

Sundin mo ang mga utos ko

at mabubuhay ka nang matagal.

Pagsikapan mong magkaroon

ng karunungan at pang-unawa.

Huwag mong kalilimutan

ang mga sinasabi ko

at huwag kang hihiwalay dito.

Huwag mong tanggihan ang karunungan,

sa halip pahalagahan mo ito,

dahil iingatan ka nito.

Ang matalinong anak ay nakikinig

sa pangaral ng kanyang ama,

ngunit ang mapangkutyang anak

ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.

Ituro sa bata ang daang

dapat niyang sundan,

at kahit sa kanyang pagtanda

ay hindi niya ito kalilimutan.

Disciplina e consequências

A vara e a repreensão dão sabedoria. A Bíblia adverte sobre as consequências sérias da rebeldia e desonra aos pais.

Ang pagpalo at pagsaway sa bata

upang siyaʼy ituwid

ay magtuturo sa kanya ng karunungan,

ngunit kung siya ay pababayaan,

ipapahiya niya ang kanyang ina.

Sinumang nagmamalupit

sa kanyang ama

o di kayaʼy nagpapalayas

sa kanyang ina

ay isang anak na sumisira

sa kanyang pangalan

at nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.

"Ang anak na kumukutya

at sumusuway sa kanyang magulang

ay tutukain ng uwak sa mga mata,

at kakainin ng mga agila

ang bangkay niya.

"Ang sinumang mananakit sa kanyang ama o ina ay papatayin.

Ang Hindi Matapat na Anak

Kung ang isang tao ay may anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na ayaw makinig sa kanyang mga magulang kapag siyaʼy dinidisiplina, dadalhin siya ng kanyang mga magulang sa mga tagapamahala doon sa pintuan ng bayan. Sasabihin nila sa mga tagapamahala, "Matigas ang ulo nitong anak namin at rebelde siya; hindi siya sumusunod sa amin. Gastador siya at lasenggo." Pagkatapos, dapat siyang batuhin ng lahat ng naninirahan sa bayan hanggang sa mamatay siya. Marinig ito ng lahat ng Israelita at matatakot sila. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

Mamamatay ang sinumang sumumpa

sa kanyang magulang,

para siyang ilaw na namatay

sa gitna ng kadiliman.

Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama?

Ngunit kung may mga anak o apo siya, matuto muna dapat silang gampanan ang tungkulin nila sa kanilang sambahayan at matutong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang. Sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.

Seja o primeiro