Pular para o conteúdo
Publicidade

Palavras de conforto

Por Bíblia Online

Deus é o Deus de todo conforto. Ele consola os que choram, restaura os quebrantados e promete que a dor presente dará lugar à alegria eterna.

O Deus de toda consolação

Bendito seja o Deus e Pai de nosso Senhor Jesus Cristo, Pai das misericórdias e Deus de toda consolação, que nos consola em todas as tribulações.

Papuri sa Diyos na Nagpapalakas ng Loob

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Papuri sa Diyos na Nagpapalakas ng Loob

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap. Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob. Kung naghihirap man kami, itoʼy upang mapalakas ang inyong loob, at upang kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Diyos ang aming loob, itoʼy upang mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin. Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Diyos ang inyong loob tulad ng sa amin.

Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.

Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.

Hindi niya sila tinatalikuran,

sa halip ay pinakikinggan pa niya

ang kanilang mga pagtawag.

Malapit ang Panginoon

sa mga may bagbag na puso,

at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Promessas de restauração

Deus sarará o quebrantado de coração e atará as suas feridas. Quem semeia em lágrimas, colherá com júbilo.

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,

at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,

ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.

Maaaring sa gabi ay may pagluha,

pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Ang Diyos ang ating kanlungan

at kalakasan.

Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo

sa oras ng kagipitan.

Ibigay mo sa Panginoon

ang iyong mga alalahanin

at ikaw ay kanyang kakalingain.

Hindi niya pababayaan

ang mga matuwid, magpakailanman.

Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan

at napapansin nʼyo ang aking

mga pag-iyak.

Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

Panginoon, kayo ang kanlungan

ng mga inaapi,

at kublihan sa panahon ng kahirapan.

Panginoon, kayo ang aking matibay

na batong kanlungan

at tagapagligtas.

Kayo, O Diyos, ang aking matibay

na batong kanlungan

na nag-iingat sa akin,

kayo ang aking pananggalang,

tanggulan at matatag na kuta.

Paz e descanso

Jesus disse: 'Vinde a mim, todos os cansados e sobrecarregados, e eu vos aliviarei.' A paz de Deus que excede todo entendimento guarda o coração.

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

Pinagpala ang mga naghihinagpis,

sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

Ganyan din kayo. Nalulungkot kayo ngayon, pero magagalak kayo sa araw na magkita tayong muli. At walang sinumang makakaagaw ng inyong kagalakan.

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Esperança eterna

Deus enxugará toda lágrima. A dor presente é momentânea, mas a glória futura é eterna. O Senhor transforma luto em dança.

Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

At sinabi ng nakaupo sa trono, "Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!" At sinabi niya sa akin, "Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan."

Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Huwag kang mangamba,

sapagkat kasama mo ako;

huwag kang malungkot,

sapagkat ako ang iyong Diyos.

Palalakasin kita at tutulungan.

Aalalayan kita sa pamamagitan

ng kamay kong nagliligtas.

Ang Magandang Balita para sa mga Inaapi

Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon

ay sumasaakin.

Sapagkat hinirang niya ako

na mangaral ng magandang balita

sa mga dukha.

Sinugo niya ako para aliwin

ang mga sugatang-puso,

at para ipahayag sa mga bihag

at mga bilanggo na silaʼy malaya na.

Sinugo rin niya ako para ipahayag

na ngayon na ang panahon

na ililigtas ng Panginoon

ang kanyang mga mamamayan

at parurusahan ang kanilang mga kaaway.

Sinugo rin niya ako

para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,

nang sa ganoon,

sa halip na maglagay sila ng abo

sa kanilang ulo bilang tanda

ng pagdadalamhati,

maglalagay sila ng langis

o ng koronang bulaklak

sa kanilang ulo

bilang tanda ng kaligayahan.

Silaʼy magiging parang matibay na puno

na itinanim ng Panginoon.

Kikilalanin silang mga taong matuwid

sa ikakaluwalhati ng Panginoon.

Aaliwin ko kayo doon sa Jerusalem,

katulad ng isang inang

umaaliw sa kanyang anak."

Nunca sozinhos

Deus nunca nos abandona. Ele está ao nosso lado em cada vale, segura nossa mão e promete que o choro não durará para sempre.

Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob."

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Ang Panginoon ay mabuti;

matibay siyang kanlungan

sa oras ng kagipitan,

at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

Sapagkat kasama ninyo

ang Panginoon

na inyong Diyos.

Siya ay isang mandirigmang

magliligtas sa inyo.

Siyaʼy magagalak sa inyo,

at sa kanyang pag-ibig kayoʼy

kanyang panunumbalikin.

Sa kanyang kagalakan

ay kanyang aawitan."

Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,sabi ng Panginoon, mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Kaya kayong nagtitiis ngayon dahil sa kalooban ng Diyos, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti. Ipagkatiwala ninyo ang sarili ninyo sa Diyos na lumikha sa inyo, dahil hinding-hindi niya kayo pababayaan.

Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,

ito ang tanging ninanais ko:

na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,

upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,

at hilingin ang kanyang patnubay.

Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako

sa kanyang Templo,

at ilalagay niya ako

sa ligtas na lugar.

Ang inyong mga pangako

ang siyang nagpapalakas

at umaaliw sa akin

sa mga paghihirap na aking dinaranas.

Itinataas niya

ang mga nagpapakumbaba

at kinakalinga ang mga nagdadalamhati.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.

At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.

"Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.

Seja o primeiro