Pão
O pão é símbolo central na Bíblia: do maná no deserto ao pão da vida — Jesus. A Escritura usa o pão para ensinar sobre provisão divina, comunhão e dependência espiritual.
O maná do céu
Deus alimentou Israel no deserto com pão do céu. O maná era diário, fiel e suficiente — retrato da provisão constante de Deus.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Narinig ko ang pagrereklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila, ‘Sa pagsapit ng gabi, kakain sila ng karne at sa umaga namaʼy magpapakabusog sila sa tinapay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon na inyong Diyos.’ "
Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo. Nang mawala ang hamog, may nakita silang maliliit na bagay sa lupa na puting-puti. Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, "Ano kaya iyan?"
Sinabi ni Moises sa kanila, "Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.
Tinawag na manna ng mga Israelita ang pagkain. Para itong maliliit at mapuputing buto ng kulantro, at matamis kagaya ng manipis na tinapay na may pulot.
Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit,
at pinaulanan sila ng pagkaing manna.
Ibinigay ito sa kanila upang kainin.
Kinain nila ang pagkain ng mga anghel,
at sobra pa sa kaya nilang kainin
ang ibinigay ng Diyos sa kanila.
Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,
at mga tanim para sa mga tao
upang silaʼy may maani at makain,
may alak na maiinom
na magpapasaya sa kanila,
may langis na pampakinis ng mukha,
at may tinapay
na makapagpapalakas sa kanila.
O pão da vida
Jesus declarou: 'Eu sou o pão da vida.' Quem vem a Ele nunca terá fome, e quem nele crê jamais terá sede. Ele é o sustento eterno.
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit. Sapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao."
Sinabi ng mga tao, "Bigyan nʼyo po kami ng tinapay na ʼyan sa araw-araw."
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.
Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, subalit namatay din silang lahat. Ngunit narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito. Ako ang tinapay na mula sa langit. Ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay upang magkaroon ng buhay ang mga tao ay walang iba kundi ang aking katawan."
Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.
Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’"
Partilha e comunhão
O partir do pão une o corpo de Cristo. Na Ceia, na generosidade e na partilha, expressamos a comunhão com Deus e uns com os outros.
Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.
Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo? Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.
"Kaya manalangin kayo ng katulad nito:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang inyong ngalan.
Dumating nawa ang inyong kaharian,
at sundin nawa ang inyong kalooban
dito sa lupa katulad ng sa langit.
Bigyan nʼyo kami ng aming pagkain sa araw-araw,
Ang nagbibigay ng pagkain sa dukha
ay tiyak na pagpapalain.
Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Kayo ang magpakain sa kanila."
Sumagot sila, "Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?"
Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo."
Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, "Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda."
Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan. Kaya umupo nga sila nang pangkatan, may tig-iisang daan at may tiglilimampu. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing.
Provisão divina
O justo não é desamparado e seus descendentes não mendigam pão. Deus provê com fidelidade o alimento de cada dia.
Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,
ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan
na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon
o ang kanyang mga anak
ay namalimos ng pagkain.
Ang Pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo
Nang makatawid sina Hesus sa lawa, naalala ng mga alagad niyang hindi sila nakapagbaon ng kahit anong tinapay. Sinabi ni Hesus sa kanila, "Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo."
Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.
Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, "Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang limang libong tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay upang mapakain ang apat na libong tao, at kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? Hindi ba ninyo naiintindihang hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo?’ " At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.
Ang Gawain ng Taong Marunong
Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo
at sa kalaunan ay kikita ka.
Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo,
dahil hindi mo alam kung anong kalamidad
ang darating dito sa mundo.