As 10 parábolas mais importantes de Jesus
Jesus ensinou lições profundas por meio de parábolas, histórias curtas e simbólicas que comunicam verdades espirituais. Cada parábola tem um significado especial e atemporal, revelando o caráter de Deus e ensinando como viver como cristãos. Aqui estão 10 das parábolas mais marcantes e suas lições:
1. Parábola do Semeador (Mateus 13:3-9)
Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga o paghahalintulad. Sinabi niya, "May isang magsasakang umalis para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat. May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil ang mga tumubong binhi. Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa, lumago at namunga. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan. Makinig ang sinumang may pandinig!"
A parábola do semeador fala sobre a receptividade das pessoas à Palavra de Deus. Cada tipo de solo representa diferentes maneiras de receber e aplicar o Evangelho em nossas vidas. Somente um coração fértil e comprometido pode dar frutos espirituais abundantes.
2. O Bom Samaritano (Lucas 10:25-37)
Ang Mabuting Samaritano
Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, "Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"
Sumagot si Hesus, "Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?"
Sumagot ang lalaki, "Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."
"Tama ang sagot mo," sabi ni Hesus. "Gawin mo iyan at mabubuhay ka."
Ngunit ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya tinanong ulit niya si Hesus, "At sino naman po ang kapwa ko?"
Bilang sagot, nagkuwento si Hesus: "May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na. Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Napadaan din ang isang Levita at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa ʼyan sa magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ "
Nagtanong ngayon si Hesus sa tagapagturo ng Kautusan, "Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ay tunay na kapwa sa biktima ng mga tulisan?"
Sumagot siya, "Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya."
Sinabi sa kanya ni Hesus, "Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo."
Essa parábola nos ensina sobre o amor ao próximo, independentemente de raça ou religião. O samaritano ajudou um desconhecido, mostrando que a verdadeira fé se revela no amor ao próximo.
3. A Ovelha Perdida (Lucas 15:4-7)
"Kung kayo ay may isang daang tupa at nawala ang isa, ano ang gagawin ninyo? Hindi baʼt iiwan ninyo ang siyamnapuʼt siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa makita ninyo? At kapag nakita na ninyo, masaya ninyo itong papasanin pauwi. Pagkatapos, tatawagin ninyo ang mga kaibigan at kapitbahay ninyo at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, dahil nakita ko na ang nawawala kong tupa.’ Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.
Deus é como o pastor que busca incessantemente uma ovelha perdida. Essa parábola revela o amor incansável de Deus pelos pecadores, celebrando a alegria no céu quando alguém se arrepende.
4. O Filho Pródigo (Lucas 15:11-32)
Ang Talinghaga tungkol sa Naglayas na Anak
Nagpatuloy si Hesus, "May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, gusto ko na pong kunin ang bahaging mamanahin ko.’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak.
"Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay. Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya. Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang tagaroon at ipinadala siyang magpakain ng mga baboy sa kanyang bukid. Sa tindi ng kanyang gutom, halos gusto na niyang kainin kahit ang pagkain ng mga baboy, dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain.
"Nang makapag-isip-isip siya, sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Sa amin, kahit ang mga utusan ng aking ama ay may sobrang pagkain, pero ako rito ay halos mamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo. Gawin nʼyo na lang po akong isa sa mga utusan ninyo." ’ Kaya umuwi siya sa kanyang ama.
"Malayo paʼy natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan.
"Sinabi ng anak sa kanyang ama, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’
"Ngunit tinawag pa rin ng ama ang mga utusan niya at sinabi, ‘Bilis! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. At kumuha kayo ng guya na pinataba natin, at katayin ninyo. Magdiwang tayo dahil ang anak ko na akala koʼy patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, ngunit muling nakita.’ Kaya nagsimula silang magdiwang.
"Samantala, nasa bukid noon ang panganay na anak at nagtatrabaho. Nang pauwi na siya at malapit na sa kanila, narinig niya ang tugtugan at sayawan sa bahay nila. Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Anoʼng mayroon sa bahay?’ Sumagot ang utusan, ‘Dumating ang kapatid ninyo kaya ipinakatay ng inyong ama ang pinatabang baka para ihanda, dahil bumalik siyang ligtas at nasa mabuting kalagayan.’
"Nagalit ang panganay at ayaw pumasok sa bahay. Kaya pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapang pumasok. Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko po kayo nang tapat sa loob ng maraming taon at kailanmaʼy hindi ko sinuway ang utos ninyo. Ngunit kahit minsan ay hindi po ninyo ako binigyan ng kahit isang batang kambing para makapaghanda ako at makapagsaya kasama ang mga kaibigan ko. Ngunit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng kayamanan ninyo sa mga babaeng bayaran, ipinagkatay nʼyo pa ng pinatabang baka.’
"Sumagot ang ama, ‘Anak, palagi tayong magkasama at ang lahat ng ari-arian ko ay iyo. Dapat lang na magsaya tayo dahil ang kapatid mo na inakala nating patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, ngunit natagpuan!’ "
A parábola do filho pródigo fala sobre o perdão e o amor incondicional de Deus por Seus filhos, mesmo quando se desviam.
5. A Pérola de Grande Valor (Mateus 13:45-46)
"Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang negosyante na naghahanap ng magagandang perlas. Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.
Jesus ensina que o Reino de Deus é o bem mais precioso e devemos estar dispostos a renunciar tudo para possuí-lo.
6. O Fariseu e o Publicano (Lucas 18:9-14)
Ang Kuwento tungkol sa Pariseo at sa Maniningil ng Buwis
May mga tao roon na matuwid ang tingin sa sarili at humahamak sa iba. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: "May dalawang lalaking pumunta sa templo upang manalangin. Ang isaʼy Pariseo at ang isa namaʼy maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin tungkol sa kanyang sarili. Sinabi niya, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya at mangangalunya o katulad ng maniningil ng buwis na iyon. Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo, at nagbibigay ako ng ikapu ng lahat ng kinikita ko!’
"Ang maniningil naman ng buwis ay nakatayo sa malayo, at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’
"Sinasabi ko sa inyo na ang maniningil ng buwis na iyon ay umuwing itinuring na matuwid ng Diyos, ngunit ang Pariseo ay hindi. Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."
Essa parábola nos lembra que Deus valoriza um coração humilde e arrependido, em contraste com a arrogância espiritual. O publicano, ao reconhecer seus pecados, foi justificado diante de Deus.
7. Os Talentos (Mateus 25:14-30)
Ang Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin
"Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto, ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya. Ang alipin na binigyan ng limang libo ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At tumubo siya ng limang libo. Ganoon din ang ginawa ng alipin na binigyan ng dalawang libo. At tumubo siya ng dalawang libo. Ngunit ang alipin na binigyan ng isang libo ay humukay sa lupa at itinago roon ang perang ibinigay ng kanyang panginoon.
"Pagkalipas ng mahabang panahon, bumalik ang amo nila at ipinatawag sila para magbalita tungkol sa perang ipinagkatiwala sa kanila. Lumapit ang alipin na nakatanggap ng limang libo at sinabi, ‘Panginoon, heto po ang limang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang limang libo na tinubo ko.’
"Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’
"Pagkatapos, lumapit naman ang alipin na binigyan ng dalawang libo at sinabi niya, ‘Panginoon, heto po ang dalawang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang dalawang libo na tinubo ko.’
"Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking kaligayahan!’
"Lumapit din ang alipin na binigyan ng isang libo at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa. Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan ng iba. Natakot po ako kaya ibinaon ko ang pera nʼyo sa lupa. Heto po ang isang libo na ibinigay nʼyo sa akin.’
"Sumagot ang kanyang amo, ‘Masamá at tamad na alipin! Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim, at kinukuha ko ang pinaghirapan ng iba. Bakit hindi mo na lang idineposito sa bangko ang pera ko para sa pagbalik ko ay may makuha akong interes?’
" ‘Kunin ninyo sa kanya ang isang libo at ibigay sa mayroong sampung libo. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo ang walang silbing alipin na ʼyan sa labas, doon sa kadiliman kung saan siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’
Nesta história, Jesus ensina sobre a responsabilidade de usar bem os dons e recursos que Deus nos confiou. A fidelidade nas pequenas coisas abre portas para bênçãos maiores.
8. O Rico e Lázaro (Lucas 16:19-31)
Ang Mayamang Lalaki at si Lazaro
"May isang mayamang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit at kumakain ng masasarap na pagkain araw-araw. May isa namang pulubing puno ng pigsa ang katawan na ang pangalan ay Lazaro. Dinadala siya sa labas ng pintuan ng bakuran ng mayaman. Gusto niyang makakain kahit ng mga mumong nahuhulog mula sa mesa ng mayaman. Nilalapitan siya roon ng mga aso at dinidilaan ang mga pigsa niya sa katawan.
"Namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing, at dinala ito sa mundo ng mga patay.. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham. Kaya tumawag siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazaro na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap na ako rito sa apoy.’
"Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazaro ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan. Isa pa, hindi maaari ang sinabi mo dahil may malawak na bangin sa pagitan natin. Ang mga nandito sa amin na gustong pumunta diyan ay hindi makakatawid, at ang mga nariyan sa inyo ay hindi rin makakatawid dito.’
"Sinabi pa ng mayaman, ‘Kung ganoon, Amang Abraham, nakikiusap ako sa inyo, papuntahin po ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama upang bigyan ng babala ang lima kong kapatid na lalaki tungkol sa lugar na ito ng paghihirap, nang hindi sila mapunta rito.’
"Sumagot si Abraham, ‘Nasa kanila ang mga isinulat ni Moises at ng mga propeta. Dapat nilang pakinggan ang mga iyon.’
"Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sila makikinig doon, amang Abraham. Ngunit kung may patay na mabubuhay at pupunta sa kanila, magsisisi ang mga iyon.’
"Ngunit sinabi ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang makinig sa mga isinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin sila maniniwala kahit mabuhay pa ang isang patay at mangaral sa kanila.’ "
A parábola alerta sobre as consequências de negligenciar os necessitados e viver para si mesmo. Também destaca a realidade do julgamento e da vida após a morte.
9. O Joio e o Trigo (Mateus 13:24-30)
Ang Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan
Muling nagbigay ng talinghaga si Hesus sa kanila, "Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Ngunit kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng damo at umalis. Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang mga damo.
"Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga utusan at sinabi, ‘Hindi po baʼt mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ito nagkaroon ng mga damo?’
"Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang mga damo?’
"Sumagot siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo. Hayaan na lang muna ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang mga damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ "
Essa história simboliza o bem e o mal coexistindo no mundo até o julgamento final, quando Deus fará a separação entre os justos e os ímpios.
10. As Dez Virgens (Mateus 25:1-13)
Ang Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga
"Sa araw na iyon, ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan para salubungin ang lalaking ikakasal. Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy matatalino. Ang limang mangmang ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagdala ng reserbang langis, habang ang limang matatalino naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan. Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa paghihintay.
"Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, ‘Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’
"Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan. Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, ‘Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.’
"Sumagot sila, ‘Hindi puwede, dahil hindi magkakasya sa atin ang langis. Pumunta na lang kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo.’
"Kaya umalis ang mga mangmang na dalaga para bumili ng kanilang langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay sumáma sa kanya sa handaan. Pagpasok nila, isinara ang pintuan.
"Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, ‘Panginoon, panginoon! Papasukin nʼyo po kami.’
"Ngunit sumagot ang lalaki, ‘Hindi ko kayo kilala.’
"Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.
Jesus enfatiza a necessidade de estarmos sempre preparados espiritualmente para Sua segunda vinda, pois ninguém sabe o momento exato.
As parábolas de Jesus continuam sendo fontes ricas de sabedoria e direção para a vida cristã. Ao aplicarmos esses ensinamentos, nos aproximamos mais de Deus e de Sua vontade.
Se este artigo te ajudou, faça sua parte e compartilhe a Palavra de Deus com aqueles que você ama.