Perseguição
Jesus advertiu que seus seguidores seriam perseguidos pelo mundo. Mas a perseguição não é sinal de fracasso — é sinal de fidelidade. Bem-aventurados os que sofrem por causa da justiça.
Perseguição como marca do discípulo
Jesus disse: se o mundo vos odeia, sabei que antes de vós odiou a mim. Todo o que quer viver piedosamente será perseguido.
Galit ang Mundo sa mga Alagad ni Hesus
"Kung napopoot sa inyo ang mundo, alalahanin ninyo na ako ang una nilang kinapootan.
Ang totoo, lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang alagad ni Kristo Hesus ay daranas ng pag-uusig.
Pinagpala ang mga taong inuusig
dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
"Pinagpala kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan.
Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao,
kung itinatakwil at iniinsulto kayo,
at sinisiraan ang inyong pangalan
dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.
Recompensa na perseguição
Os perseguidos por causa de Cristo receberão grande galardão no céu. Quem perde por amor ao evangelho receberá cem vezes mais.
Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.
Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.
Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.
Amor e confiança em meio à adversidade
A Bíblia nos ensina a amar nossos perseguidores, abençoar os que nos maldizem e confiar que nossos tempos estão nas mãos de Deus.
Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.
Idalangin ninyo sa Diyos na pagpalain niya ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.
Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.
Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.
Dumaan man ako sa madilim
na libis ng kamatayan,
hindi ako matatakot
dahil kayoʼy aking kasama.
Ang inyong pamalo at tungkod
ang sa akiʼy umaaliw.
Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
Natumba ako at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’