Pular para o conteúdo
Publicidade

Purificação

Por Bíblia Online

A purificação é um tema central na Bíblia. Deus nos chama a sermos limpos — não apenas externamente, mas no coração, na mente e em toda a conduta de vida.

Purificados pelo sangue de Cristo

O sangue de Jesus nos purifica de todo pecado. Sua morte na cruz é o sacrifício perfeito que nos torna limpos diante de Deus.

Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.

Kung nakakalinis ang mga ito, higit na nakakalinis ang dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay ni Kristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Diyos. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan upang matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buháy.

Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.

Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.

Purificação interior

Deus cria em nós um coração puro. A purificação começa no interior — nos pensamentos, intenções e motivações do coração.

Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan

sang-ayon sa inyong tapat

na pagmamahal;

Ang mga pagsuway koʼy

inyo pong pawiin

sang-ayon sa inyong

pagmamalasakit sa akin.

Hugasan nʼyo po ako

sa aking kasamaan,

at linisin nang lubos

sa aking kasalanan.

Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.

Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.

Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.

Lavados pela Palavra

A Palavra de Deus e o batismo nos purificam. Jesus disse: 'Vós já estais limpos pela palavra que vos tenho falado.'

Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos.

Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ "

Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya.

"Linisin ninyo ang inyong sarili.

Tigilan na ninyo ang paggawa

ng kasamaan

sa aking harapan.

Sinabi pa ni Hesus, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya."

Seja o primeiro