Publicidade

1 Coríntios 1

1 Mula kay Pablo na tinawag upang maging apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at kay Sostenes na ating kapatid,

2 Sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, kayong mga ibinukod upang maging kanya sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus, mga hinirang, na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." Ganito rin sa ibang bahagi ng aklat na ito. niyang maging banal na mga tao niya, kasama ang lahat saan mang lugar na kumikilala sa ating Panginoong Hesu-Kristo na Panginoon nating lahat:

3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

Pasasalamat

4 Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus. 5 Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, pinalago kayo ng Diyos sa lahat ng bagay: sa pananalita at kaalaman. 6 Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Kristo ay totoo. 7 Kaya hindi kayo kinukulang sa anumang kaloob na espirituwal habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo. 8 Pananatilihin niya kayong matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang kayoʼy maging walang kapintasan sa araw ng pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo. 9 Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo na ating Panginoon.

Ang Pagkakawatak-watak sa Iglesya

10 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin. 11 Sinasabi ko ito mga kapatid, dahil may nagbalita sa akin mula sa tahanan ni Cloe na may mga alitan sa inyo. 12 Ito ang ibig kong sabihin: Ang iba daw sa inyo ay nagsasabi, "Kay Pablo ako"; ang iba namaʼy "Kay Apolos ako." May iba ring nagsasabi, "Kay Pedro. ako"; at ang iba naman ay "Kay Kristo ako."

13 Bakit, nahahati ba si Kristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo? 14 Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gayo. 15 Kaya walang makapagsasabing binautismuhan kayo sa pangalan ko. 16 (Binautismuhan ko rin pala si Estefanas at ang kanyang pamilya. Maliban sa kanila, wala na akong natatandaang binautismuhan ko.) 17 Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.

Si Kristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos

18 Ang mensahe ng pagkamatay ni Kristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa ating mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Diyos. 19 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:

"Sisirain ko ang karunungan ng marurunong,

at ipapawalang-saysay ko ang katalinuhan ng matatalino."

20 Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Diyos na ang karunungan ng mundong ito ay kamangmangan? 21 Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi niya ipinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang. 22 Ang mga Hudyo ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griyego naman ay naghahanap ng sinasabi nilang karunungan. 23 Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Kristo na ipinako sa krus: bagay na hindi matanggap ng mga Hudyo, at isang kamangmangan para sa mga Hentil. 24 Subalit para sa mga tinawag ng Diyos, Hudyo man o Hentil, si Kristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.

26 Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang kayoʼy tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan. 27 Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas. 28 At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. 29 Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos. 30 Dahil sa kanya, tayoʼy nakay Kristo Hesus. Si Kristo ang karunungan ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan niya, itinuring tayo ng Diyos na matuwid, ibinukod para sa kanya, at tinubos sa ating mga kasalanan. 31 Kagaya ng sinasabi sa Kasulatan, "Ang gustong magmalaki, ipagmalaki lamang ang ginawa ng Panginoon."

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_14-04-22-