Reino dos céus
O Reino dos Céus é comparado por Jesus a tesouros, sementes e redes. Através de parábolas, Ele revelou os mistérios de um Reino que já está entre nós, mas que se consumará na eternidade.
O valor incomparável do Reino
O Reino dos Céus é como um tesouro escondido ou uma pérola de grande valor. Quem o encontra, vende tudo para possuí-lo.
Ang Paghahalintulad sa Natatagong Kayamanan at Perlas
"Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nang mahukay ito ng isang tao, itinago niya itong muli. At sa tuwa niyaʼy umuwi siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian, at binili niya ang bukid na iyon.
"Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang negosyante na naghahanap ng magagandang perlas. Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.
Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa at Pampaalsa
Ikinuwento pa sa kanila ni Hesus ang paghahalintulad na ito: "Ang paghahari ng Langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. Ito ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Ngunit kapag tumubo at lumaki na, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng mga tanim; nagiging punongkahoy, at pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito."
Ang Paghahalintulad sa Pampaalsa
Isa pang paghahalintulad ang ikinuwento ni Hesus: "Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa pampaalsang inihalo ng isang babae sa tatlong takal ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina."
Parábolas do Reino
Jesus ensinou sobre o Reino mediante parábolas que revelam seu crescimento, seu juízo e a separação final entre justos e injustos.
Ang Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan
Muling nagbigay ng talinghaga si Hesus sa kanila, "Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Ngunit kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng damo at umalis. Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang mga damo.
"Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga utusan at sinabi, ‘Hindi po baʼt mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ito nagkaroon ng mga damo?’
"Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang mga damo?’
"Sumagot siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo. Hayaan na lang muna ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang mga damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ "
Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo
Pagkatapos, iniwan ni Hesus ang mga tao at bumalik sa loob ng bahay. Nilapitan siya ng mga alagad niya at sinabi, "Pakipaliwanag po sa amin ang talinghaga tungkol sa mga damo sa bukid."
Sumagot si Hesus, "Ang naghasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ang Anak ng Tao. Ang bukid ay ang mundo, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Diyos. Ang mga damo naman ay ang mga taong sakop ni Satanas. Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. Ang anihan ay ang katapusan ng mundo, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel.
"Kung paanong binubunot at sinusunog ang mga damo, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ang Anak ng Tao ay magpapadala ng mga anghel, at aalisin nila sa kanyang kaharian ang lahat ng gumagawa ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Itatapon sila sa nagliliyab na apoy, kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin. Ngunit ang matutuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang sinumang may pandinig!
Ang Paghahalintulad sa Lambat
"Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad din sa isang lambat na inihagis ng mga mangingisda sa lawa at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ang lambat, hinila nila ito papunta sa dalampasigan. Pagkatapos, naupo sila para pagbukud-bukurin ang mga isda. Ang mabubuting isda ay inilagay nila sa mga basket, at ang mga walang kuwenta ay itinapon nila. Ganyan din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay nila ang masasama sa matutuwid. Itatapon ang masasama sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin."
Quem herda o Reino
Os humildes, os pobres de espírito e as crianças são herdeiros do Reino. Mas é difícil para os ricos entrarem nele.
"Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila
sa harapan ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
Pinagpala ang mga naghihinagpis,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba,
sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad
na tuparin ang kalooban ng Diyos,
sapagkat silaʼy masisiyahan.
Pinagpala ang mga taong mahabagin,
sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.
Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban
sapagkat makikita nila ang Diyos.
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,
sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
Pinagpala ang mga taong inuusig
dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
"Pinagpala kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan. Magalak kayo at matuwa sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit. Alalahanin ninyo, inusig din ang mga propeta noon.
Ang Pinakadakila sa Kaharian ng Langit
Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?"
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit. Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."
Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"
Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."
Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya?
Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang siyang bibigyan ng kapangyarihang maghari magpakailanman.’
Buscar o Reino acima de tudo
Jesus ensinou que devemos buscar primeiro o Reino e sua justiça. Nem todo que diz 'Senhor, Senhor' entrará — só quem faz a vontade do Pai.
Mga Tunay at Bulaang Alagad
"Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit.
Kaya ang sinumang lumabag sa kahit pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakahamak sa kaharian ng Langit. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at magturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Langit. Kaya tandaan ninyo: Kung hindi ninyo mahihigitan ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Langit.
"Kaya manalangin kayo ng katulad nito:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang inyong ngalan.
Dumating nawa ang inyong kaharian,
at sundin nawa ang inyong kalooban
dito sa lupa katulad ng sa langit.
Ipinangaral ni Juan ang Pagdating ni Hesus
Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral. Sabi niya, "Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit."
Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit."
Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Langit.
Sinasabi ko rin sa inyo, marami ang darating mula sa lahat ng dako ng mundo na kakain sa handaan kasama nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng Langit.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Langit ay mas dakila pa sa kanya. Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay dumaranas ng matinding pag-atake mula sa mga mararahas na taong sumasalungat dito.
A herança eterna
O Reino dos Céus é inabalável e eterno. Deus nos chama a fazer firme a nossa vocação e eleição para entrar nesse Reino.
Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, dahil kapag nagparusa ang ating Diyos, itoʼy parang apoy na nakakatupok.
Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan
at ang kadakilaan ng inyong paghahari,
upang malaman
ng lahat ang inyong dakilang mga gawa
at ang kadakilaan ng inyong paghahari.
Ang inyong paghahari
ay magpakailanman.
Panginoon, tapat kayo
sa inyong mga pangako,
at mapagmahal kayo
sa lahat ng inyong nilikha.
Kaya nga, minamahal kong mga kapatid kay Kristo, pagsikapan ninyong mapatunayan na mga tinawag nga kayo at pinili ng Diyos. Sapagkat kung gagawin nʼyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod, kundi buong galak kayong tatanggapin sa walang katapusang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!
Kayamanan sa Langit
"Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Tandaan ninyo: Walang taong mahalay, malaswa ang pamumuhay, at sakim ang mapapabilang sa kaharian ni Kristo at ng Diyos. Sapagkat ang kasakiman ay tulad din ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.