Saúde
A saúde é uma bênção de Deus. A Bíblia ensina que Deus é nosso curador, que devemos cuidar do corpo como templo do Espírito e que a alegria do Senhor renova nossas forças.
Deus, o nosso curador
O Senhor é quem sara todas as nossas doenças. Ele prometeu abençoar o pão e a água e tirar as enfermidades do meio do seu povo.
Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, at bibiyayaan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman,
Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,
at ginagamot ang kanilang mga sugat.
Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.
Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, "Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.
O corpo como templo
Nosso corpo é templo do Espírito Santo. A Bíblia nos encoraja a cuidar da saúde física com disciplina e reverência a Deus.
Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.
Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating.
Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.
Huwag mong isiping
napakarunong mo na.
Matakot ka sa Panginoon,
at huwag gumawa ng masama.
Para iyon sa ikabubuti
at ikalalakas ng iyong katawan.
A alegria que cura
O coração alegre é bom remédio. A esperança do coração traz alegria, e as palavras agradáveis são como favo de mel — doçura para a alma e saúde para o corpo.
Ang pagiging masayahin
ay parang gamot na nakabubuti sa katawan,
ngunit ang pagiging malungkutin
ay nagpapahina ng katawan.
Ang matatamis na salita
ay parang pulot-pukyutan,
nakakapagpasaya at nakakapagpasigla
ng katawan.
Ang hangaring naantala
ay nakapanghihina,
ngunit ang hangaring natupad
ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
Huwag kayong mag-alala o mabalisa man
dahil ang panahon ng kabataan
ay lumilipas lang.