O Senhor é o meu pastor
O Salmo 23 é a expressão máxima da confiança em Deus como Pastor. Jesus se declarou o Bom Pastor que conhece suas ovelhas, cuida delas e dá a própria vida por elas.
O Senhor é o meu Pastor
Davi declarou com confiança que o Senhor é seu pastor e nada lhe faltará. Ele nos guia, nos restaura e nos conduz em caminhos de justiça.
Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
Pinagpapahinga niya ako
sa malagong damuhan,
inaakay niya ako patungo
sa tahimik na batisan.
Binibigyan niya ako
ng panibagong kalakasan.
Pinapatnubayan niya ako
sa tamang daan,
upang siyaʼy aking maparangalan.
Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo.
Katulad ng isang pastol,
bantayan nʼyo sila,
at kalungin magpakailanman.
O Bom Pastor
Jesus é o Bom Pastor que conhece suas ovelhas pelo nome. Ele dá a vida por elas, as protege e nenhuma pode ser arrebatada de sua mão.
"Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.
"Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila. May iba pa akong mga tupang hindi kasama sa kawan na ito. Kailangang pangunahan ko rin sila, at papakinggan nila ang aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol.
Ngunit ang dumadaan sa pintuan ay ang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng tagapagbantay sa pintuan, at kilala ng mga tupa ang boses niya. Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya.
Para tayong mga tupang naligaw noon, ngunit nakabalik na tayo ngayon sa Panginoon na Pastol at Tagapagbantay ng ating buhay.
At pagdating ni Kristo na siyang Pinunong Pastol, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.
O cuidado pastoral de Deus
Como pastor terno e forte, Deus carrega os cordeiros nos braços e guia com cuidado as ovelhas que amamentam.
Tingnan ninyo,
ang Makapangyarihang Panginoon
ay dumarating
upang ipamalas ang kanyang lakas,
at mamumuno siya na may kapangyarihan.
Paparating siyang dala
ang kanyang natamo,
ang kanyang gantimpala
ay naglalakad sa kanyang harapan.
Aalagaan niya ang kanyang
mga mamamayan gaya ng pastol
na nag-aalaga ng kanyang kawan.
Kinakarga niya ang maliliit na tupa
at maingat niyang pinapatnubayan
ang mga inahing tupa.