Trabalhar para Deus
Trabalhar para Deus vai além do ofício secular. É dedicar a vida inteira — palavras, ações e atitudes — ao serviço do Reino, reconhecendo que cada tarefa pode glorificar o Senhor.
Servindo ao Senhor em tudo
Quando trabalhamos como para Deus, cada ação se torna um ato de adoração. Não importa a tarefa — o que importa é o coração dedicado.
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili.
Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa pa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.
Chamados para as boas obras
Fomos criados em Cristo Jesus para boas obras, que Deus preparou de antemão para que andássemos nelas. Não somos salvos por obras, mas para obras.
Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.
Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kami ay sumampalataya rin kay Kristo Hesus upang maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.
At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa.
Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.
Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo.
A missão do cristão
O chamado a trabalhar para Deus inclui a Grande Comissão: fazer discípulos de todas as nações, cooperando com Ele na expansão do Reino.
Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.
Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.
Sapagkat kamiʼy nagtutulungang mga kamanggagawa sa paglilingkod sa Diyos. Kayoʼy bukirin ng Diyos at kayo rin ay gusali niya.
Sapagkat haharap tayong lahat kay Kristo upang hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.