1 Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia (nakabalik na sila sa Jerusalem at sa mga sarili nilang mga bayan sa Juda, 2 kasama ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem na sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana).
Ito ang talaan at bilang ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
3 Mga angkan nina
Paros 2,172
4 Sefatias 372
5 Arah 775
6 Pahat-moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) 2,812
7 Elam 1,254
8 Zatu 945
9 Zacai 760
10 Bani 642
11 Bebai 623
12 Azgad 1,222
13 Adonikam 666
14 Bigvai 2,056
15 Adin 454
16 Ater (na tinatawag ding Ezequias) 98
17 Bezai 323
18 Jora 112
19 Hasum 223
20 Gibar 95
21 Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:
Bethlehem 123
22 Netofa 56
23 Anatot 128
24 Azmavet 42
25 Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743
26 Rama at Geba 621
27 Micmas 122
28 Betel at Hai 223
29 Nebo 52
30 Magbis 156
31 sa isa pang Elam 1,254
32 Harim 320
33 Lod, Hadid, at Ono 725
34 Jerico 345
35 Senaa 3,630
36 Mga pari:
Mga angkan ni
Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973
37 Imer 1,052
38 Pashur 1,247
39 Harim 1,017
40 Mga Levita:
Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74
41 Mga mang-aawit sa Templo na mula sa angkan ni Asaf 128
42 Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai 139
43 Mga tagapaglingkod sa Templo:
Mga angkan nina
Ziha, Hasufa, Tabaot,
44 Keros, Siaha, Padon,
45 Lebana, Hagaba, Akub,
46 Hagab, Salmai, Hanan,
47 Gidel, Gahar, Reaias,
48 Rezin, Nekoda, Gazam,
49 Uza, Pasea, Besai,
50 Asnah, Meunim, Nefisim,
51 Bakbuk, Hakufa, Harhur,
52 Bazlut, Mehida, Harsa,
53 Barkos, Sisera, Tema,
54 Nezias at Hatifa.
55 Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
Ang mga angkan nina
Sotai, Soferet, Peruda,
56 Jaala, Darkon, Gidel,
57 Sefatias, Hatil,
Poqueret-hazebaim at Ami.
58 Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
59 May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon, at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita. 60 Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias at Nekoda na may kabuuang bilang na 652.
61 Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 62 Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap bilang mga pari. 63 Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.
64 Ang kabuuang bilang ng mga bumalik sa Juda mula sa pagkabihag ay 42,360, 65 hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337, at mga mang-aawit na lalaki at babae na mahigit dalawang daan. 66 May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola, 67 435 kamelyo, at 6,720 asno.
68 Pagdating nila sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa dati nitong kinatatayuan. 69 Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga limandaang kilong ginto, mga tatlong libong kilong pilak, at isang daang pirasong kasuotan para sa mga pari.
70 Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga tagapaglingkod sa Templo at ang iba pang mga Israelita ay nanumbalik sa kanilang mga bayan.