1 Pagkalipas ng maraming taon, nang si Artaherhes ang hari ng Persia, dumating si Ezrasa Jerusalemgaling sa Babilonia. Si Ezraay anak ni Seraias na anak ni Azarias. Si Azariasay anak ni Hilkias. 2 Si Hilkias ay anak ni Salumna anak ni Sadoc. Si Sadocay anak ni Ahitob. 3 Si Ahitob ay anak ni Amariasna anak ni Azarias. Si Azariasay anak ni Meraiot. 4 Si Meraiot ay anak ni Zeraias na anak ni Uzi. Si Uziay anak ni Buki. 5 Si Buki ay anak ni Abisuana anak ni Finehas. Si Finehas ay anak ni Eleazarna anak ni Aaronna punong pari. 6 Si Ezraay isang tagapagturo na lubos ang kaalaman sa Kasulatan na ibinigay kay Moisesng Panginoon, ang Diyos ng Israel. Dumating siya sa Jerusalemmula sa Babiloniaat ibinigay ng hari ang lahat ng hiniling niya dahil pinatnubayan siya ng Panginoonna kanyang Diyos. 7 May sumáma ring mga Israelita sa kanya nang bumalik siya sa Jerusalemnoong ikapitong taon ng paghahari ni Artaherhes. Kabilang sa mga sumáma ay ang mga pari, mga Levita, mga mang-aawit, mga tagapagbantay ng Templo, at mga tagapaglingkod sa Templo.
8 Dumating si Ezra sa Jerusalemsa ikalimang buwan ng ikapitong taon ng paghahari ni Artaherhes. 9 Umalis si Ezra sa Babiloniasa unang araw ng unang buwan. At nakarating siya sa unang araw ng ikalimang buwan sa Jerusalemsapagkat ginabayan siya ng Diyos. 10 Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon, at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.
Ang Sulat ni Artaherhes kay Ezra
11 Ito ang nilalaman ng sulat na ibinigay ni Haring Artaherhes kay Ezra, na pari, at tagapagturo, na lubos na nakakaalam ng mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoonsa mga taga-Israel:
12 Ako si Haring Artaherhes, ang hari ng mga hari.
Nangungumusta ako sa iyo, Ezra, na pari at tagapagturo ng Kautusan ng Diyos ng langit.
13 "Iniuutos ko na kahit sino sa mga Israelita rito sa kaharian ko, pati mga pari at mga Levita, na gustong sumáma sa iyo sa pagbalik sa Jerusalemay maaari mong isama. 14 Inuutusan kita at ng aking pitong tagapayo na alamin mo ang mga nangyayari sa Juda at sa Jerusalemkung talaga bang sinusunod nila ang Kautusan ng iyong Diyos, na lubos mong nalalaman.7:14 na lubos mong nalalaman: O na ipinagkatiwala sa iyo.15 Dalhin mo rin ang mga ginto at pilak na kusang-loob kong ibinibigay at ng mga tagapayo ko sa Diyos ng Israel na nananahan sa Jerusalem. 16 Kasama rin ang lahat ng pilak at ginto na matatanggap mo galing sa lalawigan ng Babilonia, pati na rin ang mga kusang-loob na tulong ng mga mamamayan at ng mga pari nila para sa Templo ng kanilang Diyos sa Jerusalem. 17 Tiyakin mo na ang perang ito ay gagamiting pambili ng mga toro, mga lalaking tupa, mga batang lalaking tupa, mga butil at inuming handog. Lahat ng mga ito ay ihahandog sa altar ng Templo ng inyong Diyos sa Jerusalem.
18 "Ang matitirang ginto at pilak ay puwede ninyong gamitin ng mga kababayan mo sa kahit anong gusto nʼyo ayon sa kalooban ng Diyos. 19 Ngunit ang mga kagamitang ipinagkatiwala sa iyo na gagamitin sa paglilingkod sa Templo ng iyong Diyos ay ibigay mong lahat sa Diyos ng Jerusalem. 20 Kung may iba ka pang kailangan para sa Templo, kumuha ka lang ng panggastos sa pondo ng kaharian.
21 "Ako, si Haring Artaherhes, ang nag-uutos sa lahat ng ingat-yaman ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates na ibigay ninyo ang anumang hilingin sa inyo ni Ezrana pari at tagapagturo ng Kautusan ng Diyos ng langit. 22 Bigyan ninyo siya hanggang 3,500 kilong pilak, 300 sakong trigo, 550 galong alak, 550 galong langis ng olibo, at kahit gaano kadaming asin na kinakailangan. 23 Ibigay ninyo rin ang lahat ng kinakailangan sa Templo ayon sa iniutos ng Diyos ng langit. Sapagkat kung hindi, baka sa aking kaharian at sa aking mga anak maibaling ang kanyang galit. 24 Ipinapaalam din namin sa inyo na huwag ninyong pagbayarin ng buwis at ng iba pang bayarin ang mga pari, mga Levita, mga musikero, mga tagapagbantay ng Templo, mga tagapaglingkod sa Templo, at iba pang nagtatrabaho sa Templo ng Diyos.
25 "At ikaw, Ezra, ayon sa karunungang ibinigay sa iyo ng Diyos, pumili ka ng mga tagapamahala at mga hukom na nakakaalam ng Kautusan ng iyong Diyos at sila ang mangangasiwa sa lahat ng tao sa lalawigan sa kanluran ng Eufrates. At ang mga tao na hindi nakakaalam ng Kautusan ay turuan mo. 26 Sinumang hindi tumupad sa Kautusan ng iyong Diyos o kayaʼy sa kautusan ng hari ay parurusahan ng kamatayan, o paaalisin sa lugar niya, o kukunin ang ari-arian niya, o ikukulong siya."
Pinuri ni Ezra ang Diyos
27 Sinabi ni Ezra, "Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno natin, na humipo ng puso ng hari na parangalan niya ang bahay ng Panginoonsa Jerusalem. 28 Dahil sa kabutihan sa akin ng Panginoon, mabuti ang pagtrato sa akin ng hari at ng mga tagapayo niya, at pati na ng lahat ng makapangyarihan niyang opisyal. At dahil nga tinutulungan ako ng Panginoonna aking Diyos, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tipunin ang mga pinuno ng Israel upang sumáma sa akin sa Jerusalem."
Lugar Bíblico
Região / Território
Pérsia
Hoje: Irã (Antiga Pérsia)
פָּרַסparas
A Pérsia é o reino de Ciro, rei que disse ter recebido do Senhor, o Deus dos céus, todos os reinos da terra e a tarefa de construir um templo em Jerusalém (Esdras 1:2).
Esdras, sacerdote e escriba versado na lei de Moisés, voltou da Babilônia a Jerusalém, leu a lei ao povo e o levou a se separar das mulheres estrangeiras (Esdras 7:6).
Esdras, sacerdote e escriba versado na lei de Moisés, voltou da Babilônia a Jerusalém, leu a lei ao povo e o levou a se separar das mulheres estrangeiras (Esdras 7:6).
Arão, irmão de Moisés, falou por ele diante do faraó e foi o primeiro sumo sacerdote de Israel, consagrado com os filhos para o sacerdócio (Êxodo 4:14).
Esdras, sacerdote e escriba versado na lei de Moisés, voltou da Babilônia a Jerusalém, leu a lei ao povo e o levou a se separar das mulheres estrangeiras (Esdras 7:6).
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Babilônia é a terra cujo rei, Nabucodonosor, levou prisioneiros de Judá; os exilados voltaram de lá para Jerusalém e Judá, cada um para a sua cidade (Esdras 2:1).