Publicidade

Esdras 1

Pinabalik ni Haring Ciro ang mga Hudyo sa Kanilang Lupain

1 Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang kanyang sinabi sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa buo niyang kaharian.

2 "Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia:

"Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. 3 Kayong lahat na mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo. 4 Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem."

5 May mga Israelitang hinipo ng Panginoon upang bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon upang ipatayo ang bahay ng Panginoon. Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita. 6 Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na gawa sa pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, iba pang mga mamahaling bagay, at handog na kusang-loob para sa Templo.

7 Ibinalik din sa kanila ni Haring Ciro ang mga gamit sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar sa Jerusalem at inilagay sa templo ng mga diyos-diyosan niya. 8 Ipinagkatiwala ito ni Haring Ciro kay Mitredat na ingat-yaman ng kaharian niya. Binilang ito ni Mitredat at ibinigay ang listahan kay Sesbazar, ang gobernador ng Juda.

9 Ito ang bilang ng mga gamit:

gintong bandehado 30

pilak na bandehado 1,000

pilak na kagamitan 29

10 gintong mangkok 30

pilak na mangkok 410

iba pang mga gamit 1,000

11 Sa kabuuan, may 5,400 gamit na ginto at pilak.

Dinala lahat ito ni Sesbazar nang bumalik siya sa Jerusalem mula sa Babilonia kasama ng ibang mga bihag.

Veja também

Publicidade
Esdras
Ver todos os capítulos de Esdras
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-