Trabalho
O trabalho é uma ordenança divina desde a criação. Deus colocou o homem no jardim para cultivar e guardar, revelando que o labor é parte do propósito humano e um meio de glorificá-lo.
Trabalho como vocação divina
Deus nos criou para trabalhar com propósito. O trabalho é expressão da imagem divina em nós e deve ser feito como para o Senhor.
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran.
At anuman ang inyong gawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo sa pangalan ng Panginoong Hesus nang may pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na para bang ang Panginoon mismo ang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao. Alalahanin ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat isa ayon sa ginawa niyang mabuti, alipin man siya o hindi.
Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Maging masigasig kayo sa paggawa para sa gawaing ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon, sapagkat alam ninyong hindi masasayang ang paghihirap para sa kanya.
At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.
Diligência e recompensa
A mão diligente enriquece, mas a preguiça traz pobreza. A Bíblia valoriza o esforço honesto, dedicado e perseverante em toda obra.
Nagpapahirap ang katamaran,
ngunit ang kasipagan ay nagpapayaman.
Ang taong masipag ay magiging pinuno,
ngunit ang tamad ay magiging alipin.
Ang taong masipag ay magiging pinuno,
ngunit ang tamad ay magiging alipin.
Ang masikap sa trabaho
ay may pakinabang,
ngunit magiging mahirap
ang puro salita lang.
Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan
ang pamumuhay ng mga langgam
upang matuto kayo sa kanila.
Kahit na walang namumuno
at nag-uutos sa kanila,
nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw
at panahon ng anihan,
upang may makain sila
pagdating ng tag-ulan.
Kayong mga tamad,
hanggang kailan kayo mahihiga dʼyan?
Kailan kayo babangon
mula sa inyong pagtulog?
Kaunting tulog, kaunting pahinga
at ang paminsan-minsang paghalukipkip
ng mga kamay,
at hindi ninyo mamamalayang
darating ang kahirapan
na para kayong ninakawan ng tulisan.
Ang taong tamad magtrabaho,
pareho ng mapanirang tao.
Kung tulog ka nang tulog
maghihirap ka,
ngunit kung magsisikap ka,
ang iyong pagkain ay sasagana.
Ang kayamanang nakuha
sa pandaraya
ay madaling nawawala,
ngunit ang kayamanang pinaghirapan
ay pinagpapala.
Ang pagpapala ng Panginoon
ay nagpapayaman
at hindi niya ito dinadagdagan
ng anumang kalungkutan.
Planejamento e excelência
A excelência no trabalho honra a Deus. Devemos nos dedicar com competência, entregar nossos planos ao Senhor e buscar o melhor em cada tarefa.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang mga gagawin mo,
at magtatagumpay ka
sa iyong mga plano.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang mga gagawin mo,
at magtatagumpay ka
sa iyong mga plano.
Ang taong mahusay magtrabaho
ay maglilingkod sa mga hari
at hindi sa mga pangkaraniwang tao.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
Gawin mo ng buo mong makakaya ang iyong ginagawa, dahil wala nang trabaho roon sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo. Wala nang pagpaplano roon, wala ring kaalaman at karunungan.
Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila
O contentamento no trabalho
Deus nos dá a capacidade de desfrutar do nosso trabalho. Poder comer, beber e encontrar satisfação em nosso labor é um dom divino.
Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.
Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao sa maiksing buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos ay kumain, uminom at magpakasaya sa kanyang pinaghirapan habang siyaʼy nabubuhay, dahil para naman talaga sa kanya ang mga iyon.
Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Diyos sa kanila.
Mas mabuti ang may kasama
kaysa mag-isa;
mas marami silang magagawa.
May isang taong nag-iisa sa buhay.
Wala siyang anak at wala ring kapatid.
Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho
at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan.
Sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi na ako nakakapagsaya
dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Pero wala naman akong mapag-iiwanan
ng aking mga pinaghirapan."
Wala itong kabuluhan!
At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.
A responsabilidade cristã
O cristão deve trabalhar com suas próprias mãos, viver dignamente e ser exemplo de dedicação. Quem não trabalha, não coma.
Noong kasama nʼyo pa kami, sinabi namin sa inyo na huwag pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.
Nabalitaan naming ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw kumilos, at walang ibang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba. Kaya sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba.
Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa pa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.
Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.
At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa.
Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw. Sapagkat ang sinumang makakaranas ng kapahingahang mula sa Diyos ay makakaranas din ng kapahingahan sa kanyang mga gawain, tulad ng pamamahinga ng Diyos matapos niyang likhain ang lahat.
Panginoon naming Diyos,
pagpalain nʼyo sana kami
at pagtagumpayin ang aming mga gawain.
Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?
Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti?
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay makakagawa rin ng mga ginagawa ko, at higit pa rito ang magagawa niya dahil pupunta na ako sa Ama.
Ngunit hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyayari sa aking buhay; nais ko lamang na matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Diyos.
Mag-ingat kayo upang hindi mawala ang aming pinaghirapan; sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala.