Publicidade

Vitória

Por Bíblia Online

A vitória do cristão não depende de suas próprias forças, mas do poder de Deus que opera em nós. As Escrituras declaram que somos mais que vencedores por meio daquele que nos amou.

A vitória vem de Deus

O Senhor luta por nós. Quando confiamos nele, nenhuma arma forjada contra nós prosperará e nenhum inimigo prevalecerá.

Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ang sasáma sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!"

Sinabi ng Panginoon kay Josue, "Huwag kang matakot sa kanila. Ipapasakamay ko sila saʼyo. Wala kahit isa sa kanila ang makakatalo sa iyo."

Kahit nakahanda na ang mga kabayo

para sa digmaan,

ang Panginoon pa rin

ang nagbibigay ng katagumpayan.

Nasakop nila ang lupain,

hindi dahil sa kanilang mga armas.

Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,

kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

pagpapala at kakayahan,

dahil mahal nʼyo sila.

O Diyos, kayo ang aking Hari

na nagbigay ng tagumpay

sa amin na lahi ni Jacob.

Mais que vencedores

Em todas as circunstâncias, a fé nos dá a vitória. O mundo tenta nos derrubar, mas Cristo já venceu o mundo e nos faz triunfar.

dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

"Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?

Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?"

May kamandag lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil sa Kautusan. Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Força para a batalha

Deus nos reveste com sua armadura espiritual, nos fortalece e nos encoraja. Mesmo que o justo caia sete vezes, ele se levanta.

Kaya gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, upang sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.

Ang taong matuwid,

mabuwal man ng pitong ulit

ay tiyak na makakabangon ulit.

Hindi tulad ng taong

masama na kapag nabuwal

ay hindi na makakabangon pa.

Sa tulong nʼyo, O Diyos,

kamiʼy magtatagumpay

sapagkat tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.

Kahit libu-libo pa ang mamatay

sa paligid mo,

wala pa ring masamang mangyayari saʼyo.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-