Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga Corinto 10:6-10,13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

6 Ang mga bagay na ito nga’y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na Blg. 11:4.gaya naman nila na nagsipagnasa.

7 Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, Ex. 32:6.Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.

8 Ni huwag din naman tayong 1 Cor. 6:18.makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang Blg. 25:1-9.nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

9 Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at Blg. 21:5,6.nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at Blg. 14:2,37.nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.

13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa’t 1 Cor. 1:9.tapat ang Dios, 2 Ped. 2:9.na hindi niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito’y inyong matiis.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    6 Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nila. 7 Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, "Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga diyos-diyosan."10:7 Exo. 32:6. 8 Huwag tayong gumawa ng seksuwal na imoralidad, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Dahil ditoʼy namatay ang 23,000 sa kanila sa loob lamang ng isang araw. 9 Huwag ninyong subukin si Kristo10:9 Sa ilang manuskrito, Panginoon. tulad ng ginawa ng iba sa kanila, kaya namatay sila sa tuklaw ng mga ahas. 10 Huwag din kayong mareklamo tulad ng ilan sa kanila, kaya pinatay sila ng Anghel ng kamatayan.

    13 Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.