6 Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nila. 7 Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, "Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga diyos-diyosan."10:7 Exo. 32:6. 8 Huwag tayong gumawa ng seksuwal na imoralidad, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Dahil ditoʼy namatay ang 23,000 sa kanila sa loob lamang ng isang araw. 9 Huwag ninyong subukin si Kristo10:9 Sa ilang manuskrito, Panginoon. tulad ng ginawa ng iba sa kanila, kaya namatay sila sa tuklaw ng mga ahas. 10 Huwag din kayong mareklamo tulad ng ilan sa kanila, kaya pinatay sila ng Anghel ng kamatayan.
13 Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.