Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Cronica 29:11,12,14,15

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

11 Iyo, Oh Panginoon ang Deut. 3:24.kadakilaan, at ang Mat. 6:13;1 Tim. 1:17;Apoc. 5:13.kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka’t lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.

12 Rom. 11:35,36.Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at 2 Cron. 20:6.nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

14 Nguni’t sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka’t ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo.

15 Awit 39:12.Sapagka’t kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: Job 14:2;Awit 102:11;144:4.ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    11 Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan

    ang kapurihan, katagumpayan at karangalan!

    Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa.

    Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

    12 Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan.

    Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay.

    Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas

    at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

    14 "Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin. 15 Nalalaman nʼyo, na pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.