11 Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan
ang kapurihan, katagumpayan at karangalan!
Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa.
Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!
12 Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan.
Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay.
Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas
at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.
14 "Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin. 15 Nalalaman nʼyo, na pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili.